Tuwang-tuwa ang showbiz netizen sa ipinagmamalaking socmed post ng award-winning actor na si Dennis Trillo dahil sa nakuhang gold medal ng anak na si Calix.
Ipinagmalaki din ng asawa niyang si Jennylyn Mercado sa kanyang IG stories ang mga kuha nitong photos kung saan makikitang magkakasama sila nina Dennis at Carlene Aguilar.
Proud na proud sila sa naging panalo ni Calix ng gold medal para sa the University of the Philippines at the UAAP Season 88 Fencing Tournament.
Batang UP ang anak ni Dennis sa dating beauty queen na si Carlene Aguilar na ngayon nga ay kasamang nakatira sa bahay ng mag-asawa ngayong sina Dennis at award-winning actress ding si Jennylyn, pati mga anak nila.
“Look at how beautiful their blended family is. Basta may disenteng samahan, puno ng respeto at pagmamahal, hindi imposible ang magandang harmony,” komento ng netizen sa mga naglabasang photos ng family.
Kapwa ibinahagi nina Dennis at Jen ang joint Instagram post na ginawa between the UP Maroon Club at ng mommy ni Calix na si Carlene, na nag-uumapaw ang pride sa tagumpay ng batang atleta para sa Men’s Epee Individual Event.
Tila na-starstruck din ang Utak Puso: UP Fighting Maroons IG account sa mga post nila sa masasayang tagpo nina Jennylyn, Dennis, at Carlene, kasama si Calix. Sa isang larawan nga ay makikitang nakasalampak ang atleta sa sahig kasama ang proud na proud nitong beauty queen mother na nakasuot pa ng UP Maroons jacket habang kayakap ang anak.
Hindi ito ang unang pagkakataon na nanalo si Calix Ho (real name) na lagi din namang ipinagmamalaki, sinusuportahan at sinasamahan ni Dennis sa kanyang mga laban. /Bistado


