Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Daniel Padilla, hinarana ang birthday gf na si Kaila Estrada

Kinakiligan ng mga tagahanga nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang socmed posts (photos and videos) ng mga KaiNiel fans at ni Katsumi Kabe, isang musikero at matalik ding kaibigan ng rumored couple.

Sa naturang mga post ay makikitang masayang kinakantahan ni Daniel si Kaila ala-harana style. Nagdiwang ng kanyang 30th birthday ang aktres kasama ang mga malalapit na kaibigan sa isang bar kung saan tumutogtog ang banda ng musikero. 

Sa isang parte ng video ay enjoy na kinakantahan ni Kaila ang kanyang mga bisita nang biglang sumulpot si Daniel at “hinarana” na nag ang napapabalitang gf sa saliw ng kilalang awiting “Creep” ng Radiohead..

Tuwang-tuwa at nagpapalakpakan ang lahat sa naturang tila surpresang ginawa ni Daniel kasama na ang mga kapatid nitong sina JC, Lella at ilan pang very close sa kanila.

Kitang-kita naman sa mukha ni Kaila ang kasiyahan at pagmamahal sa ginawa ni Daniel.

Last year pa sinasabing nagkamabutihan ang dalawa simula ng magsama sila sa Incognito tv series, pero wala pa nga silang kumpirmasyon na ginagawa kung for reel or real ba sila?

Basta ang huling statement na sinabi ni Daniel ay ang pakiusap nitong huwag silang pangunahan ni Kaila, at hayaan na lang muna silang ma-enjoy sa kung anumang meron sila ngayon.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles