Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Coco Martin, nag-sorry sa hindi pag-ere ng ‘Sigabo’

Paulit-ulit na humingi ng ‘apology’ si Coco Martin sa pagkabalam umere on time ng Sigabo, ang supposedly tv series na kapalit ng Batang Quiapo.

Ipinangako kasi ng actor-director na hindi maghihintay ng matagal ang mga tagasubaybay nila dahil agad-agad na e-ere sa parehong timeslot ang pagbabalik-tambalan nila ng real-life partner niyang si Julia Montes.

Nagtapos ang Batang Quiapo with a big bang last March 13 at dapat namang umere ang sigabo noong March 16. Hindi ito nangyari kaya’t maraming mga supporters ni Coco ang na-disappoint.

Dahil dito, halos suyurin ni Coco ang mga shows at gamitin ang social media para lang maihatid ang paghingi niya ng “sorry” sa mga umasang mapapanood nila ito noong March 16.

Ayon sa nakalap ng BISTADO, malamang daw na sa unang mga linggo na ng April ipapalabas ang SIGABO, na ipinapangako ni direk Coco na magugustuhan ng kanilang mga supporter. 

Ang nabakanteng timeslot ng Batang Quiapo, after ng TV Patrol news program ay inookopa na ngayon ng ALIBI, ang tv series naman ng hit tandem nina Kim Chiu at Paulo Avelino.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles