Sa naging panayam ng BISTADO kay Coco Martin noong awards night ng PAFTA (Phil. Arts, Film and TV Awards), excited nitong ibinalita na magbabagong-bihis siya sa SIGABO.
Ito nga ang seryeng agad na papalit sa Batang Quiapo na magtatapos ngayong March 13.
“Agad-agad, e-ere,” sambit nito sa pagsisimula ng bagong serye sa ABS-CBN ngayong March 16.
Subalit bago nga iyan ay magkakaroon ng grand pasasalamat ang buong cast at lahat ng involve sa produksyon ng Batang Quiapo this Sunday, March 8, sa ASAP.
Billed as “ASAP Presents FPJ’s Batang Quiapo Pasasalamat”, pangungunahan ni Coco ang sing and dance production numbers ng halos lahat ng nakasama nila sa action series sa loob ng tatlong taon.
Mag-opening number si Coco kasama ang mga ASAP mainstays na sina Ogie Alcasid, Erik Santos, Yeng Constantino, Belle Mariano, Darren, Alexa Ilacad, BINI, Jona, Elha Nympha, Esang De Torres, Carmelle Collado, plus “Batang Quiapo” rappers Bassilyo, Smugglaz, Kial, Sisa, MastaFeat, and Flict-G.
May special duet number din sila ni Maris Racal na nakilala naman sa series bilang si Ponggay.
At dahil sumikat si Coco bilang siTanggol, hindi mawawala ang mga naging “kapamilya” niya sa series na sina Cherry Pie, Angel Aquino, Rosanna, Roces, Chanda Romero, Jake Cuenca, Aljur Abrenica, Ron Martin, Elijah Canlas, John Medina, Mark Lapid, Alan Paule, Joel Lamangan, Ihman Esturco, Atty. Rey Campanilla, Tess Antonio, Coach Badong, Chet Pastrana, Atong Redillas, Bobby Henson, Jun Nayra, Nor Domingo, Aleck Bovick, Raymond Ronquillo.
At dahil Women’s Nonth na rin lang, magkakaroon ng espesyal na dance number ang ilan sa mga naging female casts of “Batang Quiapo,” gaya nina Ara Davao, Criza Taa, Gillian Vicencio, and Maris.
Hindi rin patatalbog ang iba pang cast member sa pagsayaw kasama sina Darren, AC Bonifacio, Alexa, Jameson Blake, Gela Atayde, JM Ibarra, Fyang Smith, with more “Batang Quiapo” cast members led by Jake and Aljur with Jojit Lorenzo, Big Mak, Mammoth, Baby Giant, Ryan Martin, Happy Marcial, Ghercie Soriano, Geline Garcia, Nicole Luna, Mama Loi Villarama, Dyosa Pockoh, Tita Jegs Chinel, and Mrena.
Magpapatuloy ang “special pasasalamat” kasama si Gary Valenciano na kumanta ng ilan sa mga naging theme song ng BQ. Dito ay makakasama niya sina, Coco, Alan Paule, Atty. Rey, Ihman, Tess, Chet, Coach Badong, Atong, Bobby, Jun, Nor, Raymond, Aleck, Mark, John, Ara, Criza, Yuki Takahashi, Happy, Ghercie, Geline, Nicole, Mama Loi, Dyosa, Tita Jegs, Mrena, Kim Domingo, Smugglaz, Kial, MastaFeat, Flict G., Sisa, Basilyo, Ronwald, Aljur, Jake, Elijah, Jojit, Mammoth, Big Mak, Baby Giant, Ryan, Maris, Rosanna, Chanda, Angel, Cherry, at mismong mga series directors nitong sina Malu Sevilla, Darnel Villaflor, at Richard Somes.
Sa panayam ng BISTADO sa aktor-direktor-writer, “nakakalungkot din na magpapa-alam na kami sa Batang Quiapo. Pero ganun talaga ang buhay. Kaya nga may agad-agad na kapalit, ito ngang SIGABO.”
“Surprise muna, ganun naman di ba, dahan-dahan,” sagot nito sa tanong ng BISTADO kung bakit “Sigabo” at ano ang ibig sabihin nito?
Pero hirti ni Coco, “ibang-iba ako dito, Malayo sa mga nakita ninyo sa akin sa Probinsyano at BQ. Siyempre naging extra and super special ito dahil kay Julia.”
“Naghihintay ako ng right project para sa pagsasama namin ni Julia. Si Juls ngayon, pukpukan ang training. Nag-aaral siya ngayon ng sa baril, ng fight, sa motor. Inakma namin ‘yung kwento na talagang fit para sa amin, sa estado namin ngayon. First time namin mag-la-light. Pasasayahin naman natin ‘yung mga tahanan gabi-gabi,” paliwanag nito sa kaugnay na panayam sa TV Patrol.
Mixture of comedy drama, romance at konting action daw ang tatahaking landas ng SIGABO.
“Halos lahat ng mga kasama namin mga comedian. Tapos episodic siya, iba-ibang kwento, iba’t-ibang mission. Para iba-ibang experience every week.” dagdag pa ni Coco.
Nagkasama na sina Coco at Julia sa mga TV shows na Walang Hanggan at Ikaw Lamang, pero sa 2013 film na A Moment in Time na shot abroad sila talaga nagka-develop-an at naging mag-partner hanggang sa magkaroon sila ng mga anak. /Bistado


