Mukha namang walang epekto kay Coco Martin ang latest hanash sa kanya ng isang bit player na anak ng dating sikat na si Rod Navarro.
May paandar kasi ang naturang bit player na hindi nga raw maayos katrabaho ang aktor-direktor dahil sobra daw itong “nagmamarunong.”
Sad to say, parang wala namang pumatol sa inirereklamo ng bitplayer dahil for now, mas pinag-uusapan ang nalalapit na dalawang linggo ng Batang Quiapo at agad na ipapalit ditong action series na “Sigabo.”
Yes, immediately after mag-end ang pakikipaglaban ni Tanggol sa BQ, agad na ipapalabas ang Sigabo sa same timeslot ng Kapamilya channel.
Ito yung series na pagbibidahan nila ng real-life partner niyang si Julia Montes, na noon pa nila plinano (during pandemic).
Mala-Bonnie and Clyde daw ang inspirasyon ng kuwento though siyempre mas updated daw ito sa makabagong panahon. And yes, i-expect daw natin uli ang pagsama-sama dito ng mga bigating artista to play support.
Nalulungkot man na parang magpapa-alam daw sa isang minamahal ang naramdaman ni Coco sa pagtatapos ng BQ, ibang excitement naman ang isasalubong ng Sigabo.
Talaga daw nag-double effort ang production ni Coco sa pag-shoot ng ending ng BQ, habang sa kabilang banda ay may sinus-shoot na silang Sigabo.
Would we hear new “tantrums” na posibleng makatrabaho ni direk Coco soon?


