♈ Aries: Matagal nang may sinasabi ang kutob mo tungkol sa pera, kalusugan, o pag ibig. Huminto sandali at pakinggan ito. Kapag pinili mong kontrolin ang direksyon ng buhay mo, doon magsisimula ang tunay na pagbabago.
♉ Taurus: Hindi kailangang maging mahirap ang lahat para maging totoo. Tanggapin ang mga oportunidad, pera, o tulong na dumarating. Kapag sumabay ka sa daloy ng buhay, mas gagaan ang lahat.
♊ Gemini: May mga bagong pagkakataon na mabilis darating. Ngunit kung may kutob kang may mali, huwag itong balewalain. Maghintay sandali bago gumawa ng permanenteng desisyon.
♋ Cancer: Matagal mo nang iniisip ang isang ideya o plano. Panahon na para kumilos. Kahit maliit na hakbang lang bawat araw ay pwedeng magdala ng malaking resulta.
♌ Leo: Unti-unti nang bumabalik ang swerte at direksyon mo. Ngunit kailangan mong bitawan ang sobrang kontrol sa bawat detalye. Kapag nilinis mo ang mga hadlang, mas malayang dadaloy ang progreso.
♍ Virgo: Malayo na ang narating mo kahit hindi naging madali ang proseso. Huwag masyadong mag dwell sa lungkot o nostalgia. Tumutok sa pangmatagalang plano at unti-unti ring darating ang kapayapaan.
♎ Libra: Maraming responsibilidad lalo na sa pera at mga plano sa buhay. Manatiling tapat at malinaw sa komunikasyon. Ang disiplina at consistency ang magbibigay ng resulta sa mga susunod na buwan.
♏ Scorpio: Papasok ang mga ideya at oportunidad na parang sunod-sunod ang dating. Ang sikreto ay balanse. Pagsamahin ang aksyon, pahinga, ambisyon, at relasyon upang manatiling matatag ang progreso.
♐ Sagittarius: Bumabalik ang sigla at kumpiyansa mo pagkatapos ng mabigat na panahon. Ito ang tamang oras para magplano ng malalaking pangarap at ayusin ang mga bagay na pumipigil sa pag-usad mo.
♑ Capricorn: Mas magaan ang pakiramdam mo ngayong kasama mo ang mga taong malapit sa iyo. Ngunit may tanong pa ring bumabagabag sa isip mo. Huwag pilitin ang sagot. Darating ang tamang linaw sa tamang panahon.
♒ Aquarius: Maaaring may biglang realization tungkol sa isang sitwasyon sa buhay mo. Huwag pilitin kontrolin ang lahat. Maglaan ng oras sa pahinga at pag-aalaga sa sarili habang inaayos mo ang susunod na hakbang.
♓ Pisces: Maganda ang teamwork ngayon ngunit tandaan na mahalaga pa rin ang sariling desisyon. Huwag magmadali sa aksyon. Kapag sinunod mo ang instinct mo, darating ang tamang tulong sa tamang oras.


