♈ Aries – Pigilan ang init ng ulo at gamitin ang lakas sa tahimik na diskarte. May panalo sa dulo kung marunong kang maghintay.
♉ Taurus – Panahon na para magbawas ng pabigat sa buhay. HIndi lahat ng nakangiti, kakampi mo pa rin.
♊ Gemini – Huwag magpakalat ng enerhiya kung saan-saan. Pumili ng isang goal at doon ibuhos ang todo mong talino.
♋ Cancer – May emosyon na gustong sumabog, pero mas may lalim ang tahimik na pag-unawa. Pakinggan ang kutob bago kumilos.
♌ Leo – Hindi sapat ang pabida ngayon. Mas kikita ang sincerity kaysa sa puro porma.
♍ Virgo – Kontrolado mo ang detalye, pero tandaan: hindi lahat kailangang perpekto para maging tama.
♎ Libra – Timbangin ang desisyon bago sumabak. Ang minadali, kadalasang pinagsisisihan.
♏ Scorpio – Malakas ang dating mo, pero siguraduhing malinaw ang intensyon. Huwag paglaruan ang sariling damdamin.
♐ Sagittarius – Bago mangarap ng malayo, ayusin muna ang malapit. May obligasyong hindi puwedeng takbuhan.
♑ Capricorn – Hindi lahat ng tahimik ay mahina. May plano kang mabagal pero siguradong tatama.
♒ Aquarius – Isang ideya ang puwedeng kumita o sumikat, basta may tapang kang ilabas ito sa tamang oras.
♓ Pisces – Ramdam mo ang pagbabago sa hangin. Sumabay ka, pero huwag mong kalimutan kung sino ka talaga.


