♈ Aries: Panahon para ikaw na mismo ang magkontrol ng emosyon mo. Kapag ginamit mo ang instinct at lakas ng loob sa trabaho o desisyon, may pagkakataong ikaw ang unang makakita ng tamang direksyon.
♉ Taurus: Mas malinaw na ngayon ang mga salitang matagal mong hinahanap. Maging diretso ngunit mahinahon sa usapan. Ang bukas na komunikasyon ang magbibigay linaw sa relasyon at pamilya.
♊ Gemini: May lalim ang emosyon mo ngayon at maaaring may pagbabago sa routine o plano. Huwag matakot sumubok ng bagong paraan kung doon mo makikita ang tunay na passion.
♋ Cancer: Huwag lang tumingin sa malapit na circle. May bagong koneksyon o kausap na puwedeng magdala ng adventure o oportunidad kung magiging bukas ka sa bagong usapan.
♌ Leo: Pabago-bago ang energy mo ngayon kaya bantayan ang kalusugan at ritmo ng katawan. Kapag naayos mo ang balance ng pahinga at aksyon, mas gaganda ang daloy ng relasyon at trabaho.
♍ Virgo: Panahon para unahin ang sariling pangangailangan. Mag-reconnect sa mga taong nagbibigay ng positibong enerhiya at huwag matakot tumanggi sa mga obligasyong nakakapagod.
♎ Libra: May drive ka ngayon para ayusin ang katawan at emosyon. Kapag nag-focus ka sa disiplina at malinaw na layunin, mas magiging maayos ang mga usaping pamilya at personal.
♏ Scorpio: Linawin ang nararamdaman sa isang mahalagang tao. Kapag naging tapat ka sa usapan, mas madaling gagalaw ang isang malikhaing plano o pangarap na matagal nang natengga.
♐ Sagittarius: Malakas ang enerhiya mo ngunit kailangan ng focus lalo na sa pera. May dalawa o higit pang pagkakataon na puwedeng magdala ng kita kung magiging mapanuri ka sa desisyon.
♑ Capricorn: May magandang yugto na paparating sa negosyo o pag-ibig. Ang susi ay kontrol sa emosyon at pagiging maingat sa salita dahil ang maling pahayag ay maaaring magdulot ng problema.
♒ Aquarius: Mas malalim kang emosyon at pag-iisip ngayon. Kapag naging bukas ka sa pag-ibig at sa mga taong malapit sa’yo, may bagong pag-unawa na pwedeng magbigay ng kapayapaan.
♓ Pisces: Matalas ang intuition mo lalo na kapag may nararamdaman kang may pinagdadaanan ang isang tao. Ang pagiging sensitibo at maalaga ang magbibigay ng mahalagang koneksyon ngayon.


