Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Bilyong vape haul, may inside play daw?

May isang malaking operasyon kamakailan sa isang warehouse sa North na ngayon ay laman ng bulung-bulungan ng mga kabisto.

Ayon sa mga ulat, bilyon ang halaga ng nasabat na vape products. Isa raw ito sa pinakamalalaking huli sa ganitong klase ng operasyon nitong mga nakaraang buwan. May nadamay pa raw na influencer na umano’y nagpo-promote ng naturang produkto.

Pero sa likod ng opisyal na kwento, may ibang usapan na umiikot.

Sa mga bulung-bulungan ng mga kabisto, may kinalaman daw sa nangyaring operasyon ang isang young nepo baby na malapit sa kusina. Hindi raw ito basta tsismis lang. May mga nagsasabing may personal na interes umano siya sa pagkakadiskubre ng warehouse na puno ng vape products.

Mas lalong uminit ang kwento nang lumabas ang angle ng negosyo. Ayon sa ilang kabisto, karibal daw ng nepo baby ang may-ari ng nasabat na vape stash.

Kaya may mga nagdudugtong-dugtong ng eksena. May bulung-bulungan na tila hindi raw aksidente ang pagkaka-timing ng operasyon. Para bang may nagtulak sa likod para madigahan ang isang side sa negosyo.

Walang kumpirmasyon ang alinmang panig. Pero sa mundo kung saan nagtatagpo ang negosyo at impluwensya, mabilis kumalat ang ganitong klaseng kwento.

Clue para sa mga gustong manghula. Bata, well-connected, at sobrang lapit sa kusina ni nepo baby.

Yun na. Bistado!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles