Ilang araw bago ang Holy Week, muling pinasilip sa publiko ang belo ni Sta. Veronica sa loob ng St. Peter’s Basilica sa Vatican.
Isang beses lang ito ginagawa kada taon, tuwing ikalimang Linggo ng Kuwaresma. Nitong March 22, nagtipon ang maraming tao sa basilica para masilayan ang telang matagal nang iniuugnay sa tradisyong Kristiyano.
Ang belo ay pinaniniwalaang may marka ng mukha ni Hesukristo. Nakaugat ito sa tradisyon na nagsasabing pinunasan ni Sta. Veronica ang mukha ni Hesus habang papunta sa Kalbaryo, at naiwan sa tela ang imahe.
Ang pagpapakita ng relic ay maikli lamang at bahagi ng taunang gawain ng Simbahan sa panahon ng Kuwaresma. Sa araw na iyon, inaabangan ng mga deboto at bisita ang sandaling mailabas ang belo sa loob ng St. Peter’s Basilica. /Bistado


