Mainit na pinag-uusapan sa apat na sulok ng showbiz ang paglabas ng “marriage banns” nina Bea Alonzo at Vincent Co.
Dahil nga lumabas ito sa isang Catholic mass na naka-live stream last Sunday, March 8, agad na nag-viral ang naturang ‘marriage banns.’
Sa tradisyon ng mga Katoliko, nagsisilbing formal announcement ang marriage banns sa mga engaged couple na nais nang magpakasal.
Kahit pa nga may misa na pinag-uusapan, may mga netizen pa din na pinagdudahan ang naturang balita.
“Baka naman gawa-gawa lang iyan, A.I. or what,” pagtataas-kilay ng ilang netizen. May sumagot namang “napaka-nega ninyo naman. Hindi ba nakakakilig nga na mabalitaang may ganyan.”
Sa naturang marriage banns lumabas ang totoong names nina Bea at Vincent, na Ferdinand Vincent Pe Co (bilang groom) at Phylbert Angelli Escalante Ranollo ( bilang bride).
Ang simbahan na tinutukoy ay ang St. Peter the Apostle Parish sa Paco, Manila.
Wala naman kahit kina Alonzo o Co ang nagkumpirma o nag-deny sa naturang online announcement, kahit pa nga na-indicate na nakatira sa parehong address sa Paco, Manila ang magkasintahan.
Matatandaang naging malapit na magkaibigan hanggang maging magkasintahan sa pagsisimula noong 2025 ang dalawa na ngayo’y sinasabing “mag-business partner” na.
Kilalang galing sa angkan ng mga mayayaman si Co na ngayo’y President ng retail giant na Puregold, na sinasabing isang P175-billion business empire.
Isang matagumpay na showbiz royalty at tinaguriang “movie queen” naman si Bea na nasa listahan din ng mga “bilyonaryong babae” sa bansa.
Nakatakda niyang pagbidahan very soon ang isang TV series sa GMA 7 kasama sina Tom Rodriguez, Maricar Reyes, Jason Abalos, Jake Macapagal at Cassy Legaspi. Isa itong political thriller na may pamagat na “Whispers from Heaven.”
Ayon pa sa nakalap na balita ng Bistado, baka ngayong darating na April o June daw nakatakdang magpakasal ang dalawa sa Vineyard ng Co family sa Spain, kung saan mayroong ding property si Bea. /Bistado


