Usap-usapan ngayon sa BGC ang isang nepo baby na umano’y nagpakitang gilas sa isang kilalang restaurant. Hindi ito tungkol sa pagkain, serbisyo, o reservation drama. Ibang klase raw ang eksena na nasaksihan ng ilang staff sa loob mismo ng establishment.
Ayon sa ating mga kabisto, isang waiter ang napareklamo matapos ang isang di inaasahang “extra service request.” Hindi raw menu item ang hinahanap ni koya kundi mas personal na atensyon. Sa kuwento ng mga nakakita, tila napahaba ang eksena sa isang sulok ng lugar hanggang sa mapangiwi na lamang ang kawawang waiter sa sakit at pagod. Ang dating chill na shift sa trabaho, nauwi raw sa napaaray na overtime.
Ang bida sa kwento? Isang kilalang nepo baby na madalas mamataan sa sosyalera events south of the Metro. Hindi na raw bago sa ilang nakakaalam ang kanyang mga kalokohan. Pero sa pagkakataong ito, tila napasobra ang kanyang pagiging friendly sa staff ng restaurant.
Clue ng ating mga kabisto, kapangalan ng nepo baby ang isang sayaw sa Wonderland. At kung may personal mantra raw si koya, iyon ay dalawang simpleng salita na madalas niyang ibandera: “Be nice.”
Ayon sa mga nakasaksi sa gabing iyon, may mga pagkakataon na ang pagiging nice ay nagiging masyado nang makulay para sa isang tahimik na dinner service.
Sa ngayon, tikom pa ang bibig ng restaurant management. Pero sa bulong-bulungan ng staff, iisa ang sigaw: Bistado! /bistado


