Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

‘Bastos’ na lawyer, pinadi-disbar

Lumalakas ang panawagang i-disbar si Atty. Ferdinand Topacio matapos ang umano’y bastos at sexist na mga pahayag nito laban sa kababaihan na umani ng matinding batikos mula sa iba’t ibang sektor. 

Sa isang pahayag, nanawagan ang Akbayan Youth sa Korte Suprema na kumilos laban sa abogado at suriin kung ang asal nito ay naaayon pa sa pamantayan ng ligal na propesyon.

Diin ng grupo, hindi dapat palampasin ang ganitong uri ng pananalita mula sa isang abogado na inaasahang sumunod sa mataas na pamantayan ng asal at etika.

Sumiklab ang kontrobersiya matapos ipagtanggol ni Topacio si Quezon City Rep. Bong Suntay kaugnay ng naging pahayag nito sa isang pagdinig sa Kamara. Sa isang radio program, binatikos ng abogado ang aktres na si Jasmine Curtis-Smith matapos nitong punahin ang mga sinabi ni Suntay tungkol sa kanyang kapatid na si Anne Curtis.

Sa naturang programa, kinuwestiyon ni Topacio kung bakit nagpo-post si Curtis-Smith ng mga larawan na naka-bikini sa social media at iginiit na ang ganitong uri ng larawan ay nagiging dahilan para pagnasaan ng mga lalaki ang mga babae. Ang pahayag na ito ay mabilis kumalat sa social media at nagdulot ng galit mula sa netizens at iba’t ibang sektor.

Nilahad din ng “bastos” na abogado na minsan na niyang pinagnasaan din si Gabriela Women’s Party Rep. Sarah Elago, bagay na agad ding kinundena ng women’s groups.

Hindi rin nagpatinag ang pamilya ng aktres. Sa isang Facebook post, mariing kinondena ni Carmencita Ojales, ina nina Anne Curtis at Jasmine Curtis-Smith, ang mga sinabi ng abogado at iginiit na walang sinuman ang may karapatang maliitin o husgahan ang kanyang mga anak dahil lamang sa mga larawan nila sa social media.

Sa gitna nito, may ilan na ring nananawagan sa Integrated Bar of the Philippines na imbestigahan ang naging pahayag ni Topacio.  Sa isang pahayag, nanawagan si Laguna Rep. Anne Matibag, chairperson ng House Committee on Women and Gender Equality, na agad imbestigahan ang “bastos” na abogado.

“We call on the appropriate institutions, including the Integrated Bar of the Philippines, to look into this matter and uphold the standards expected of members of the legal profession,” ani Matibag. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles