Nagsalita na si actress at TV host Anne Curtis laban sa pahayag ni Quezon City Rep. Bong Suntay matapos ang kontrobersiya na nag-ugat sa mga komentong iniuugnay sa pagtingin sa kababaihan.
Sa isang matapang na pahayag na inilabas online, diretsahan niyang tinuligsa ang umano’y “non-apology” ng opisyal.
“Mr. Suntay, I won’t spend much time on you. Not because what you did was small, but because this was never really about you,” ani Anne. “Since you used me as an example, let me use you as one too.”
“You’ve become the poster boy of something much bigger, a culture that still thinks it’s acceptable to talk about women this way. Worse, one that tolerates it from our leaders. As they say, misogyny dressed up as a joke is still misogyny.”
Ang misogyny ay tumutukoy sa pagtingin o pagtrato sa kababaihan sa paraang mapanlait o nagpapababa sa kanilang dignidad. Karaniwan itong lumilitaw sa mga biro, komentaryo, o asal na naglalagay sa kababaihan sa mas mababang posisyon sa lipunan.
Lumabas ang pahayag matapos umani ng batikos ang mga naging komento ni Suntay sa pagdinig ng House Committee on Justice sa impeachment complaint laban kay VP Sara Duterte.
Kakauwi pa lamang ni Anne sa Maynila kasama ang kanyang asawa na si Erwan Heussaff at anak na si Dahlia matapos ang kaniyang biyahe sa Milan at Middle East, kung saan naantala sila dahil sa nangyayaring conflict.
Sa kabila ng pagod sa biyahe, pinili ni Curtis na magsalita para ipahayag ang kanyang paninindigan sa usapin ng pagtrato sa kababaihan at sa pananagutan ng mga nasa posisyon sa gobyerno.
Sa huling bahagi ng kanyang mensahe, iginiit ni Anne ang pananagutan ng mga opisyal sa kanilang pananalita. “You hold a seat paid for by taxpayers. Women are taxpayers. I am a taxpayer. We are not props in your commentary,” aniya. /Bistado


