Pinag-uusapan sa ilang showbiz sites na mukhang hindi na daw umepekto ang powers ni Angel Locsin nang hanggang third place lang ang inabot ng stepson nitong si Joaquin Arce sa PBB Celebrity Collab 2.0 finals.
Matatandaang biglang nagkaroon ng activity sa socmed si Angel nitong PBB stint ng stepson, dahil noong 2019 pa ito huling nagparamdam sa showbiz at after niyang magpakasal kay Neil Arce.
Kahit may mga isyung direktang sangkot ang aktres at mga pangyayaring dapat din siyang magsalita o magparamdam, nowhere to be heard or seen si Angel.
Kaya naman kahit marami pa siyang followers o mga producers na nais siyang bigyan uli ng trabaho, tila mas pinili ng aktres ang mamuhay ng payak at isang family oriented wife.

Hanggang sa magbigay nga ito ng suporta kay Joaquin sa PBB. May mga pagkakataon pang pumapatol ito sa bashing para lang ipagtanggol ang anak-anakan. Until sa finals ng reality show ay hindi tumigil sa paghingi ng suporta si Angel.
Pero yun nga lang, hanggang ikatlong puwesto lamang ang inabot ni Joaquin na in all fairness ay totoo namang may karapatang maging artista sa tikas, talino at galing.
Nakatulong pa rin naman si Angel sa stepson niya dahil hindi rin biro ang mga mga kalaban nito bilang mga may mga showbiz connection din gaya ni Lela Ford na anak ni Karla Estrada at kapatid ni Daniel Padilla.
Yung mga basher lang ang nang-iintriga na kesyo “osla o has-been” na si Angel kaya’t hindi na daw ito kilala ng new generation of followers.
May ganun? Sugod mga ka-Angel.


