Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Alvin Aragon, may panawagan kay Ms. Annette Gozon

Muli na namang umeksena ang dating actor na si Alvin Aragon, asawa ng dating Sexbomb member na si Izzy Trazona.

Sa kanyang latest FB post ay nananawagan ito kay GMA 7 boss Atty. Annette Gozon na tanggalin na diumano nito ang King of Talk na si Boy Abunda at ang show nitong Fast Talk, kasama na ang writer.

Shout out ng dating Starstruck hopeful (as is),  “Maam Annette, Ang king of talk ang dapat inaalisan ng show at ang writer ng show. Kasi he uses, they uses this platform to encouraged and influenced Filipino people especially Filipino parents. Gusto nila palabasin na Ok lang, Na walang masama ang maging bakla, maging tomboy, maging trans at maging queer. Maam annette alam natin na kasalanan yan sa Mata ng King of kings natin. Stop propagating Sin of homosexuality because it is against the Lord Jesus.”

Muling kinuyog ng mga netizen si Alvin dahil dito at tinawag na naman ito ng kung anu-ano bansag gaya ng ‘delusional, self-righteous, baliw at iba pa.’

Ultimong ‘grammar’ ng aktor ay pinuna ng netizen at pinaratangan itong malamang na na-demonitized na ang socmed account kaya’t naghahanap na naman ng isyu para siya’y pag-usapan at kumita.

Nitong mga nagdaang buwan, naging laman ng socmed world si Alvin lalo na noong kasagsagan ng mga live shows ng Sexbomb kung saan nga lumabas ang kanyang wife and yet, sandamakmak namang komento ang kanyang ginawa dahil diumano, taliwas na sa mga utos ng Diyos ang music, kasuotan, at mga galawan ng dating kilalang girl group noong 90’s . 

Nagkaroon pa ito ng diskurso sa ilang asawa ng Sexbomb girls gaya nina Bulacan Vice Gov. Alex Castro at kilalang Maneuvers dancer na si Joshua Zamora.

Kahit ang anak ni Izzy na isang LGBTQ member ay kanya ding nakasagutan sa socmed, pati na ang ibang kilalang celebrities gaya ni Vice Ganda among others.

This time ang top executive ng Kapuso network ang kanyang tinatawagang pansin dahil para sa kanya nga daw ay ay lumalabis na din sa sukatan ng kanyang paniniwala sa relihiyon ang show ni Boy Abunda, mga paninindigan nito at mga iniimbitahang guest-celebrities. 
Wala pang ibinibigay na anumang reaksyon ang kahit aling panig nina Atty. Gozun o Boy Abunda.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles