Maraming mga negatrons ang nagsasabi na nagkamali umano ang ABS-CBN sa paglagay ng series na ALIBI nina Kim Chiu at Paulo Avelino sa nabakanteng timeslot ng Batang Quiapo na natapos na last March 13.
Magdadalawang linggo pa lang na umeere ang suspense romance-drama ng KimPau pero may mga nag-ne-nega na ditong hindi umano nito makuha-kuha ang mataas na rating na laging nakukuha ng action series ni Coco Martin since Ang Probinsyano to BQ.

“Biglang nabago ang landscape ng TV viewing after TV Patrol. Nawala yung kakaibang aksyon at suspense, yung mga tema ng pamilya, friendship, naiba. Nakakapanibago,” komento ng televiewers na hinahanap daw yung pagka-astig ng aksyon ni Coco.
Ayon naman sa mga tagapagtanggol ng KimPau, consistent na toprater ang tandem ng idol nila lalo’t naipalabas na ang series sa ibang platform at naging hit ito.
“Perfect nga at sila lang yung may karapatan na mailagay sa ganung timeslot. Inggit lang yung ibang may series na hindi makuha yung mataas na viewership at rating sa ganung oras,” hirit pa ng mga KimPau fans/supporters.
Hindi naman kinumpirma ng nakausap na source ng BISTADO kung muli bang o-okupahin ng upcoming tv series nina Coco at Julia Montes na Sigabo ang oras na laging sa mga series ni Coco ibinibigay?
Matatandaang ibinigay sa KimPau series ang naturang slot dahil hindi nga umabot sa nakatakdang petsa ng dapat na pag-ere ng Sigabo ang binakanteng oras ng Batang Quiapo. Balitang ngayong April na diumano ito finally e-ere.
“Maraming KimPau fans ang mag-re-react, magagalit o mananawagan sa pamunuan ng ABS-CBN if ever nilang ilipat sa ibang timeslot ang series. Hit na hit ito at sasabihin naming ito ang nagpapalakas sa evening viewing habit ng mga tao,” pag-anunsyo pa ng KimPau fans.


