Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Alexa Ilacad-KD Estrada, still together, still on

Sa nalalapit na pagtatapos ng Your Face sounds Familiar, malakas ang laban ni Alexa Ilacad para tanghaling grand winner.

Bukod sa isa ito sa laging nangunguna sa laban, malakas sa viewers, sa mga kapwa niya contestants at lalo na sa jury members si Alexa, na tumatak ang mga performances na ginaya niya sina Kelly Clarkson, Thalia, Connie Francis, Chappell Roan, at nitong huli ay bilang si Ruffa Mae Quinto.

Kahit ang mga mentors niyang sina Klarisse de Guzman at Nyoy Volante ay nagsasabing lagi silang ginugulat ni Alexa kada performance night. Ang mga jury member namang sina Sharon Cuneta, Gary Valenciano, Ogie Alcasid at Erik Santos ay nagkakaisa na “strongest contender” nga ang actress-singer.

“I am simply enjoying the whole process. Masunurin lang din po akong talaga sa mga mentor ko at pati na rin sa mga kasama ko sa show, in or out of the cameras,” pahayag ni Alexa.

Hindi naman daw siya lubos na umaasa na tatanghalin siyang grand winner subalit naniniwala daw siya sa nakikita sa kanya ng madla, ng mga hurado at mga nagsasabing “most consistent” siya sa lahat.

Samantala, natawa na lang ito sa mga naglalabasang nagkanya-kanya na nga sila ng kanyang ka-tandem sa showbiz na si KD Estrada.

Simula kasing maging kapwa abala sila sa kanilang mga respective and individual shows, naglabasan ang mga tsika na nabuwag na ang loveteam nila at malamang ay hindi na sila magkasama, much more, mapalalim pa ang relasyon nila.

“Not true at all po. Yes, totoo na sa ngayon ay may kani-kaniya kaming ginagawa. He (KD) is busy with his stage play (on going musical na BAGETS) at ibang shows na need niyang mag-promote and so do I. But it doesn’t mean po na tapos na kami,” paliwanag ng magandang aktres.

Hindi daw napuputol ang komunikasyon nila at halos madalas din silang nagkakausap, nagkikita at ginagawa pa din yung mga bonding time with friends and families.

May mga bashers kasing nagpalabas ng tsismis porke’t nakita si KD na may mga photos kasama ang co-star niyang babae sa musical play ay pinalabas ng “wala na sila ni Alexa.”

Sa naging ganting sagot nga ng aktor ay tila mararamdaman ang inis dito. Aniya, “Huwag kayong magsalita na para bang alam ninyo ang buhay namin dahil wala naman kayong alam talaga. Higit pa kayo sa mga writer na gumagawa ng mga kuwento. So classless at chaka.”

Ang hukbong KdLex (fan club/supporter) ay patuloy pa ring naniniwala na sooner or later ay may mga proyektong pagsasamahan ang dalawa lalo’t tila kapwa nila kinahihiligan ang stage play at music.

Ang KdLex ay nagsimulang maging close simulang maging housemates sila sa “Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10.”  Sumikat ang tandem nila sa ilang TV series hanggang sa lumabas sila sa stage play na “Walang Aray” at higit na nagtagumpay sa afternoon drama na “Pira-Pirasong Paraiso.”

****ends here***ends

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles