Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

‘Alagang Ina,’ isinusulong para sa mga batang may chronic disease sa Cavite

Isinusulong ng mga lokal na mambabatas sa Cavite ang isang panukalang ordinansa na tinawag na “Alagang Ina” na naglalayong tumulong sa mga batang dumaranas ng pangmatagalang sakit o chronic diseases sa lalawigan. 

Inihain ni Trece Martires City Councilor AJ Humarang, layunin ng ordinansa na magbigay ng taunang tulong pinansyal na aabot sa P30,000 para sa mga batang edad zero hanggang 17 na sumasailalim sa pangmatagalang gamutan dahil sa non-communicable diseases. 

Kabilang sa mga sakit na saklaw ng programang “Alagang Ina” ang childhood cancer, autism, epilepsy, hydrocephalus, heart diseases, at chronic kidney diseases, pati iba pang kondisyong nangangailangan ng tuloy-tuloy na gamutan at pangangalaga. 

Inilunsad ang panukala bilang bahagi ng mga hakbang ng lokal na pamahalaan para matugunan ang pangangailangan ng mga batang may malulubhang karamdaman at ang pinansyal na hamon na kinakaharap ng kanilang mga pamilya. Sa maraming kaso, kinakailangan ng tuloy-tuloy na pagpapagamot, regular na konsultasyon, at mamahaling gamot para makontrol ang kanilang kondisyon. 

Kapag naipasa, inaasahan na ang “Alagang Ina” ordinance ay makatutulong para mapagaan ang gastusin ng mga pamilyang may batang pasyente sa Cavite habang patuloy na sinusuportahan ang kanilang gamutan at pangangalaga.  /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles