Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Ahtisa Manalo, nasa Sparkle GMA 7 Artist Center na

Ang Miss Universe 2025 3rd runner-up na si Ahtisa Manalo ang latest beauty queen na pumirma ng artist management contract sa Sparkle GMA 7 Artist Center.

Nakasabay nito sa pagpirma ang homegrown artist na si Jillian Ward na ni-renew ang kontrata bilang exclusive artist.

Excited ang beauty queen na noong mga nagdaang panahon ay hindi ini-entertain ang kaway ng showbiz pero inamin nito ngayong sobra siyang grateful sa opportunity na maka-trabaho ang ilang Kapuso artists. Binanggit nito sina Alden Richards, Dingdong Dantes at Marian Rivera, bilang mga nasa wishlist niyang makatrabaho.

Ngayong nag-sign na sa Sparkle Artist ng management contract si Ahtisa, inaasahang hahakot ito ng viewers para sa GMA 7, mula sa mga pageant community at mga enthusiasts nito. and community. 

Isa nga si Ahtisa sa mga kilalang beauty queen ng bansa dahil nasalihan na nito ang halos lahat ng major beauty contests, local man o international. At sa halos isang dekada na nitong pagiging kontesera, naka-develop na nga ito ng malaking following na lagi siyang ipinaglalaban at sinusubaybayan.

Ayon kay GMA 7 top executive Atty. Annette Gozon, nakatakdang gumawa ng movie sa GMA Films si Athisa at TV series. Agad siyang isasalang sa hit fantasy series na Sang’gre (Encantadia Chronicles).

Sa panig naman ni Ahtisa, umaasa siyang makakatulong ang mga naging experiences niya sa buhay para matawag din siyang “artist” at hindi basta beauty queen-celebrity lang.

Welcome Kapuso Ahtisa.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles