Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

AFP: 4 sa 18 nagpakilalang ‘ex-Marines’ ‘di kasapi ng militar

Naglabas ng paglilinaw ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na apat sa 18 nagpakilalang dating Philippine Marines nalumantad sa isang press conference ay hindi kasapi ng militar.

Nilinaw ng AFP na wala sa kanilang opisyal na records ang apat na indibidwal, dahilan para kuwestiyunin ang kredibilidad ng ilan sa mga naglahad ng mabibigat na alegasyon.

Sa naturang press conference, iniharap ng abogado na si LevitoBaligod ang grupo ng nagpakilalang ex-Marines na nagsabingmay umano’y malawakang “cash run” na nagkakahalaga ng P805 bilyon. 

Iginiit ng grupo na may mga perang ipinasa sa mga International Criminal Court probers habang nasa Pilipinas ang mga ito para mapabilis ang imbestigasyon kaugnay ng war on drugs. Ayon sakanilang affidavits, may mga transaksyon umano na naganap saiba’t ibang lugar, at dawit ang ilang kongresista at pulitiko.

Pero ayon sa AFP, mahalagang beripikahin ang identity ng mga nagpakilalang dating sundalo upang mapanatili ang integridad ng impormasyon na lumalabas sa publiko. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles