Mariing itinanggi ng Board of Directors ng ABS-CBN ang mga alegasyon na iniuugnay ang kumpanya sa alitan sa loob ng pamilyang Lopez.
Sa inilabas na pahayag, sinabi ng board na hindi partido ang ABS-CBN sa naturang sigalot at wala itong kinalaman sa mga usaping inilalahad sa mga dokumentong lumabas kaugnay ng hidwaan ng pamilya.
Nilinaw ng pamunuan na ang mga paratang na lumutang ay hindi dapat iugnay sa operasyon o pamamahala ng kumpanya.
Partikular na pinabulaanan ng board ang alegasyon hinggil sa umano’y “unresolved audit findings.” Ayon sa kanila, walang ganitong isyu sa audit na kailangang resolbahin ang ABS-CBN.
Itinanggi rin ng board ang claim na may planong capital infusion na gagamitin para sa payouts ng ilang opisyal ng kumpanya. Ayon sa kanila, walang ganitong payout at walang ganitong plano.
Binigyang-diin ng ABS-CBN board na ang mga interal na usapin sa loob ng pamilyang Lopez ay hiwalay at hindi dapat iugnay sa kumpanya.
Iginiit ng board na mahalagang malinaw ang mga impormasyon para maiwasan ang kalituhan at maling interpretasyon na maaaring makaapekto sa kumpanya. /Bistado


