Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

6.5M biyahero inaasahan sa Semana Santa, sabi ng CAAP

Aabot sa 6.5 milyong pasahero ang inaasahang dadaan sa mga paliparan sa bansa ngayong Semana Santa, ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).

Sinabi ng CAAP na saklaw ng bilang ang mga pasaherong daraan sa 44 commercial airports sa buong bansa sa panahon ng Holy Week.

Ayon sa ahensya, naghahanda na sila para sa inaasahang pagdagsa ng mga biyahero sa mga darating na araw.

Sinabi ng CAAP na nakikipag-ugnayan sila sa iba’t ibang airport authorities at airline operators para matiyak ang maayos na daloy ng operasyon sa mga paliparan.

Kasabay nito, pinaigting din ang deployment ng mga personnel sa mga terminal para tumulong sa pamamahala ng daloy ng mga pasahero.

Pinayuhan din ng CAAP ang publiko na maglaan ng sapat na oras bago ang kanilang flight dahil sa inaasahang pagdami ng mga biyahero. Ayon sa ahensya, mahalaga ang maagang pagdating sa airport para maiwasan ang pagkaantala sa check-in at iba pang proseso.

Hinikayat din ng CAAP ang mga pasahero na tiyakin na kumpleto ang kanilang travel documents bago bumiyahe para maiwasan ang abala sa airport. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles