Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

4M Pinoy, biktima ng kagat ng hayop kada taon

Umaabot sa apat na milyong kaso ng kagat ng hayop ang naitatala sa Pilipinas kada taon, habang nasa 300 hanggang 400 Pilipino ang namamatay dahil sa rabies taun-taon, paglalahad ng isang animal health expert.

Sa isang panayam sa government channel na PTV4, sinabi ni UP Los Baños College of Veterinary Medicine Associate Professor Dr. DJ Darwin Bandoy na nananatiling seryosong banta sa kalusugan ng publiko ang rabies, lalo na sa mga kaso ng Category 3 exposure o matinding kagat na nangangailangan ng agarang bakuna.

Nilinaw ni Bandoy na hindi lamang sa mga asong gala nanggagaling ang rabies. Kahit alagang aso o pusa ay maaaring magdala ng virus kung hindi ito nabakunahan.

“Nakukuha din po siya kahit ito po ay owned o may sarili pong maliwanag na nagmamay-ari kung hindi po siya bakunado,” ani Bandoy.

Pinayuhan niya ang mga taong nakagat ng hayop na agad magpatingin sa doktor lalo na kung hindi malinaw ang vaccination record ng hayop. Aniya, mahalaga ang agarang bakuna dahil halos tiyak na nakamamatay ang rabies kapag nagpakita na ng sintomas.

Binigyang-diin din ng eksperto ang kahalagahan ng pagbabakuna ng mga alagang aso. Ayon sa kanya, kapag nabakunahan ang hindi bababa sa 70 porsiyento ng mga aso sa isang komunidad, bumababa ang panganib ng pagkalat ng rabies sa kapwa hayop at sa mga tao. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles