Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

3 ‘espiya’ ng China, tiklo

Tatlong defense personnel ang kalaboso matapos mahuling nag-eespiya para sa China. Binansagan ng National Security Council (NSC) ang kaso bilang isang “serious national security matter” matapos madiskubre ang umano’y operasyon ng pangangalap ng sensitibong impormasyon mula sa loob ng defense sector.

Kinumpirma ng NSC ang ulat ng isang investigative report na nagbunyag ng espionage activities na may kaugnayan sa People’s Republic of China. 

Sa pahayag ni NSC spokesperson Assistant Director General Cornelio H. Valencia Jr. noong March 4, sinabi ng konseho na natuklasan ng pamahalaan ang “espionage and foreign directed malign activities in the country linked to the People’s Republic of China.”

Ayon kay Valencia, natigil na ang operasyon ng mga indibidwal na kumikilos para sa Chinese intelligence. “The operations of these individuals acting on the behest of Chinese Intelligence have been addressed and terminated,” ayon sa pahayag ng NSC.

Tatlong Pilipino na may kaugnayan sa defense establishment ang nahuli sa magkakahiwalay na operasyon ng mga awtoridad. Ayon sa mga ulat, pinaghihinalaang nagbigay ang mga suspek ng sensitibong impormasyon sa mga contact na konektado sa Chinese intelligence.

Sinabi ng NSC na umamin na ang tatlong suspek sa kanilang papel sa espionage activities at nakikipagtulungan na sa mga imbestigador. “All Filipino nationals who have confessed their complicity in espionage activities and are cooperating with authorities,” ayon sa ahensya.

Hindi muna ibinunyag ng NSC ang mga pangalan, paraan ng operasyon, at eksaktong timeline ng kaso para hindi maapektuhan ang patuloy na imbestigasyon. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles