Narekober ng mga tropa ng military ang 295 piraso ng granada mula sa isang arms cache na pinaniniwalaang itinago ng mga natitirang miyembro ng Dawlah Islamiya-Maute Group (DI-MG) sa Lanao del Sur, ayon sa militar.
Nadiskubre ng mga tropa ng 55th Infantry Battalion ng Philippine Army ang nasabing imbakan ng pampasabog noong Miyerkules sa Barangay Piagolongan sa bayan ng Marogong.
Sinabi ni Maj. Gen. Yegor Rey Barroquillo Jr., commander ng 1st Infantry Division, na malaking dagok sa kakayahan ng armadong grupo sa lugar ang pagkakarekober ng halos 300 granada sa iisang imbakan.
“The sheer volume of explosives recovered, nearly 300 hand grenades in a single cache, represents a significant blow to the operational capacity of the threat group in the area,” pahayag ni Barroquillo sa isang statement.
“Their removal from circulation directly translates to lives protected, communities secured, and the prevention of potential mass casualty attacks,” dagdag ni Barroquillo. /Bistado


