Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

16 Pinoy sa Iran, napauwi na ng DFA

TEHRAN — Matagumpay na napauwi ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang 16 Pilipino mula Iran sa gitna ng nagpapatuloy na tensyon sa Middle East.

Isinagawa ang repatriation sa pangunguna ng Philippine Embassy sa Tehran, sa koordinasyon ng iba pang ahensya ng pamahalaan, bilang bahagi ng patuloy na pagtugon para sa kaligtasan ng mga Pilipino sa rehiyon.

Ayon sa DFA, ang mga repatriate ay binubuo ng mga Pilipinong naapektuhan ng kasalukuyang sitwasyon sa Iran at nagpasyang bumalik sa Pilipinas.

Pinangunahan ng embahada ang pagproseso ng kanilang mga dokumento at ang pag-aayos ng kanilang pag-uwi, kabilang ang pakikipag-ugnayan sa mga lokal na awtoridad at iba pang kaukulang tanggapan.

Sinabi ng DFA na patuloy ang kanilang monitoring sa kalagayan ng mga Pilipino sa Iran habang nakikipag-ugnayan sa mga ito para matukoy ang mga nangangailangan ng tulong.

Patuloy rin ang panawagan ng DFA sa mga Pilipino sa Iran na manatiling nakikipag-ugnayan sa embahada at sumunod sa mga advisory na inilalabas ng pamahalaan.

Sa ngayon, nananatiling nakaantabay ang Philippine Embassy sa Tehran at ang DFA para sa karagdagang assistance sa mga Pilipinong nais umuwi habang nagpapatuloy ang sitwasyon sa rehiyon. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles